Home » Tags
PRIDE CHICKEN (with Unlimited Gravy ni Mang Tomas)
September 28, 2009(Kung sakaling napadaan ka rito,para sa’yo ang post na ito)
EI
RestyAcostaIbañez
ei, hanggang kelan tayo ganito
maaari mo bang sagutin ang tanong ko
kung akala mo’y OK lang sa akin ‘to
ei, maling-mali ka sa iniisip mo
hindi ko alam ba’t nangyari ‘to
hindi ko lang namalayang naiinis na ako
hindi na kasi tayo tulad ng dating tayo
iba-ibang ka na at iba na rin ako
dinudurog ang puso ko kapag iniisip ko
na aalis ako’t tikom lang ang bibig mo
ngunit hindi ko na ring aasahang ang ikaw pa’y kumibo
dahil hinayaan mo lang akong isipin kung ano ang gusto ko
ei, dito ko na lang siguro sasabihin
kahit tapos na’y happy birthday na lang bespren
wala na akong maireregalo dahil di ko na alam bibilhin
baka di mo na magustuhan at wala na sa iyong dating
andami mo nang namiss sa mga kuwento ko
at ako rin nama’y wala nang naririnig sa’yo
kung ok lang sayong ibang tenga ang nakikinig sa’yo
wala namang masama doon basta’t sana’y may alam ko
pero hanggang dito na lang siguro tayo
balang araw magkikita pa naman tayo
unahan na lang sa pagtunaw ng pride na meron tayo
tawanan na lang dahil mababaw lang lahat nito.
P.S.
Ei, jon. Ewan ko kung hanggang kelan tayo magiging pipi? Hindi rin naman tayo bulag o bingi. Kung ako nag-umpisa nito, hindi ko na alam pa’no ‘to tapusin? Magpapalunod na lang siguro ako sa baha ng Espania para sumama ang pride na meron ako. Ikaw kaya, anong gagawin mo?hmmmmmm..ambot….









