'Bout the Blog

hey there..thanks for dropping by. RAI's blog talks on life,love country music and all other things that goes along with it. Check OUt RAI's poems and his current anthems.

Sponsored Links

Shout Out Loud!

Manang Grace:

I hav a lots of poem too!Libangan ko din yan dito sa Bahrain,But u really amaze me! Kip it up and kip shining!

Manang Grace:

Grabe!!!You are so awesome!!! I mean it!Gud work!Hop u stil rmember me,Regards to ur ate Jane!

cyruz:):

guyz? pa help nmn pu ku gumwa ng poem about art…sa proj lng pu please? :) )

cyruz:):

GUYZ? PAHELP NMN GUMWA NG POEM ABOUT ART…SA PROJ LNG PU :) )

cyruz:):

guyz? pa help nmn gumwa ng poem about art…sa proj lng ^^

dyane:

bloghopping! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

countryboy:

hi ms.gemma dela rama..thabks for dropping by..hope u get to read this…i am lio’s friend and i have his contact number..just drop a message on my email adress..thanks

nitz:

hi indi ako makapagcomment sa latest na post mu hmmm…kapatid cnu kadate mu this valentines day??? manlibre ka aman dyan hehehe ung movie nila john and sarah lng hehehe “you change my life” para kc ang ganda nun eh hehehhe…?? para for the first tymmy kasama ako sa valentine kahit fren lng whahahha…cge ingats always. love you my fren mwah bye for now(joke lng lam ko namang my kasama ka this valentines day) cge godbless

tina:

well.. deng.. knino tong chers?.. haha.. naks nman country boy.. pwede nmang tomboy… hehe.. galing mo kuya.. be patient lng lagi kay mahal..khit pano matututo ka dun.. galingan mo sa work..

nitz:

Muzta na po?? Miss you na..malaki na ba ang katawan mu? Dapat kumain ka ng marami sabay ka kay tin always para ganahan ka haahaha…secret lng ha hehhee. Ingats always,godbless. Cge next tym ulit sana my maganda nanaman akong mababasa here. Hasta la proxima vez. Mwah

erikajoy:

galing ah..nosebleed ako..ikaw ba yan sir? galing ah…idol..

erikajoy:

wow sir!!!ikaw ba yan..hahaha nosebleed ako ah..galing mag english..idol..galing nyo rin gumawa ng poem…

glenhol:

hanep magsulat. nahihiya na ako. hehe

lio loco:

huuwwwaaawww! kawntriboy! at bakit hindi ako kasama sa hi mo, hmp! comment ka naman sa blog ko. daya nito. hehehe.

Leave a message ▼

Who needs Pictures?

Hey, I've GOt CoMMents..

    

I am Me

Codename :                                          Country Boy

Address :                                              www.countryboy.i.ph

In Pursuit Of  :                                      Masarap na Ulam,Professional License, Matinong Girlfriend

Passion:                                                Poetry, Country Music, Creative Writing, Culinary Arts, Asian Martial Arts, Agriculture, Charitable Organizations, Passion de Amor(hehehe)

I would like you to serve me :                Pizza,Pasta, Ice Cream, Pork Sinigang

Wag mo akong papakainin ng : Anything beef,malansa,mushroom at okra.

Most Liked Attitude:                             Mabait

Most Hated Attitude:                            Hindi Mabait

Friends :                                               Madami kaso cla ung mga madalas ko maisip pag yan ang tanong:

Tina,Kat,Eman,Art,Bert,Dan,Merca,Fretz,Leni at Ading Risa.

Enemies :                                              Mga nang-iinsult sa idols ko at mga fanatics ng kabilang tv network,druglords,landlords,jueteng Lords,daga,lamok at ipis.Isama mo na ang kuto na masarap tirisin na puwede ring kainin..hehehed

Movies Rated as Best and Memorable :            LOTR,HP,SlumDog Millionare,Casper,Indiana Jones,Star Wars, Brother Bear, Titanic, Hero, Fearless, Da Vinci Code

Most Viewed International Television Show :                American Idol

Mga Da Best na Authors :                                 Joshua Harris, J.K.Rowling, Dan Brown, Mitch Alboom

(Wala na akong Madagdag,tsaka na muna ung ibang info.,pag sinipag ako)

 

     

September 2010
M T W T F S S
« Apr    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Subscribe

Technorati
Bloglines

DALAMHATI SA DALAMPASIGANG TIGIB NG BASAG NA KABIBI

August 28, 2009

 

 

Ang paborito kong libro ay tahimik na nakasara habang naghihintay na muling mabasa kasama ng mga librong tinambak ko sa magulong lamesa ng aming kuwarto. Minsan kapag hindi panatag ang aking isip, na madalas mangyari ngayong mga nag-daang buwan ay hinuhugot ko ang libro sa sulok na kanyang inuokupa upang magnakaw ng minutong balikan ang mga kuwentong  kahit paano’y nakapagpapabago ng tingin ko sa mundo. May isang kuwento rito na nagsasabing ang panaginip ay isang bintana na may gustong ipahiwatig at madalas ang taong tulog ang nagdidikta ng larawang gusto niyang makita. Kung hindi man, ang panaginip ay nagpapakita ng mukha ng isang kahapon o kinabukasang pikit ang ating mga mata sa mga nangyari o mangyayari pa. Sa personal kung pang-unawa’y, kinakausap tayo ng Diyos sa pamamagitan nito at nasa sa atin na lang kung paano natin Siya matitingnan sa pigura ng isang tao, bagay o lugar na sa atin ay isang estranghero.

Dala ng isang panaginip na tila tumiyempo sa lagay ng kasalukuyang estado ng isip ko ang nais na ibahagi ng post na ito. Sa madalang kong pag-idlip ng humigit kumulang isang oras lamang ay doon ako madalas nakatatanda ng panaginip na salat sa hinagap ko ang malalim na nais nitong ipahiwatig. Kung may kongkreto nga lang akong interpretasyon ng mga panaginip ko at talagang mangyayari ang mga nakikita sa bawat  pag-idlip ko’y hindi ako mapag-iisip pa ng kung anu-ano.  Sabi nga isang kaibigan ay normal lang na sa mga taong tulad ko ang mapalaginip dahil sensitibo ang emosyon at bukas ang isip ko sa lahat ng mga kuwento ng buhay. Ang taong mulat sa sining ng pagsusulat ay sumisilip sa lahat ng posibilidad ng anumang kwentong maaring likhain ng kanyang puso at isip. Minsan ang imahinasyon ng taong gising ay nadadala rin niya maging sa himbing ng kaniyang pagtulog. Ngunit ayokong isiping laging ganito na lang ang takbo ng mundo ko dahil hindi ko rin namang gustong may iniisip ako lagi at marahil ang larawan ng isang dalampasigan ay repleksiyon ng kung ano man sa ngayo’y ang totoong nasa saloobin ko . Pagod na ako.

Mataas man ang sikat na araw ay hindi ko ramdam ang tindi ng matinding init nito habang naglalakad ako sa dalampasigang balot ng puting buhangin. Banayad na ihip ng hangin ang humahampas sa mukha ko habang payapang dumarating sa pampang ang mabibigat na hampas ng alon. Naroon ako at nakalingon sa kalayuan ngunit ang tanging naaabot ng paningin ko’y ang kalawakan ng dagat na malinaw na kinokopya ang bughaw na kulay ng ulap sa itaas. Ang maputing buhangin ay kumikislap kapag tumatama ang sikat ng araw at ang bawat tapak ng mga hubad kong paa’y nag-iiwan ng marka sa kaniyang mukha. Balot ako ng puting damit na  yari sa hiblang malambot at bahagyaang natatangay ng hangin kapag umiiihip ito sa aking direksiyon. Maya-maya pa’y nakaramdam ako ng pagod at sumilong sa isang puno habang umupo sa buhanginan. Ang tanging ginawa ko’y tumingin muli sa kalayuan at pinagmasdan ang dalampasigang nais ko mang lusungin ay napuno ng takot ang dibdib ko kaalinsabay ng pag-aalinlangang wala ring magagawa ang tangka kong paghakbang rito. Mangyari, ang dalampasiga’y tigib ng nagkalat at basag na kabibi at maging ang malinaw na dagat ay puno rin nito. Ang dalamhati ng pag-iisa’y ramdam habang nakapangalumbabang iniisip ang dugong iaalay sa dalampasigang malusong man lang ang dakong hindi alam ang hantungan.

Ginising ako ng ingay ng yabag ng mga sapatos ng taong pabalik-balik sa loob ng aming kuwarto upang magbihis. Ang amoy ng ibinubugang pabango sa katawan niyang parang tadtad na na kung anong ipinapahid niya’y lumaganap sa kuwartong parang lata ng sardinas na siksik ng karamihan ng damit ng mga nanahan rito, kasama na ako. Kung puwede ko nga lang balikan ang panaginip na iyon at malaman ang gagawin ng aking pigura matapos ang umupo sa dalampasigan ay maaaring hindi ako balisa na simulan ang araw sa isang tila nagmamadaling mundo ng South Triangle. Dalawang linggo na ring dinadalaw ang isip ko ng pagpapalit ng direksyon sa kasalukuyan kong kinalalagyan. Bagong lugar,bagong mga taong pakikisamahan at maging ng propesyong kinabibilangan. Waring nawawala na ang pangarap kong humabol sa mailap na lisensya ko at lumihis na lang ng landasing mas magiging masaya ako. Pakiramdam ko’y napag-iwanan na ako at ang tanging nagawa sa mahigit na dalawang taon ng pagsilong sa bubong ng tila impiyernong-paraisong Noval ay ang umasa sa wala at umani ng kabiguan sa lahat ng aspeto ng buhay. Sa trabaho. Sa pamilya. Sa Pag-ibig at maging ng sa mga Kaibigan. Hinayaan ko lang na umikot ang pagkakataon habang sinasaktan niya ako sa mga pangyayaring waring tumanganga lang dahil mahina’t walang alam kundi ang magdasal ng araw-araw habang ang sarili’y tila isang kandilang natutunaw at natitibag ang pananalig. Ang tiwala sa magagandang pangyayari’y napaparam tulad ng sa pagsasayaw ng isang apoy habang hinihipan ng nagbibirong hangin.

May isang bagay na sigurado akong nais Niyang gawin ko at kung gagawin ko man ito sa mga susunod na araw ay sana’y hindi ako masaktan o makasakit ng iba. Kung babalikan ko ang mga bagay na hindi ko naayos dalawang taon na ang nakalipas ay dadalhin ko lamang ang mga bagay na nagturo sa aking magkaroon ng tamang pagtingin sa lahat ng bagay, masama man o mabuti. Kung tatalukbong man ulit ako sa ilalim ng asul na kumot habang bumabagsak ang ulan sa bubong ng bahay ko’y, hahayaan ko lang na umagos ito ngunit hindi ko na muling hahayaang pasukin nito ang mahina kong loob. Kung pakikinggan ko muli ang mga awiting inimbak ko’t isinilid sa mga lumang minus one tapes na sa ngayon ay mahirap nang hagilapin sa luma naming bahay ay mararamdaman ko marahil ang payapang hatid ng pananatili na lamang sa dalampasigang pinakita ng aking panaginip. Kung pipilitin kung pumasok at sumilong sa kubo ng taong tinuring kong estranghero sa mahigit nang limang taon ay mababalikan pa kaya namin ang mga kuwentong nakaligtaan naming pag-usapan sa pagdaan ng mga taon. Kung gaano man kagulo ang isip ko’y, alam kong ang dalampasigang iyon ay isang pahiwatig ng isang bagong ako at nawa’y Makita ko na iyon sa mga susunod na araw.

Posted by countryboy at 11:20 am | permalink | Add comment