'Bout the Blog

hey there..thanks for dropping by. RAI's blog talks on life,love country music and all other things that goes along with it. Check OUt RAI's poems and his current anthems.

Sponsored Links

Shout Out Loud!

Manang Grace:

I hav a lots of poem too!Libangan ko din yan dito sa Bahrain,But u really amaze me! Kip it up and kip shining!

Manang Grace:

Grabe!!!You are so awesome!!! I mean it!Gud work!Hop u stil rmember me,Regards to ur ate Jane!

cyruz:):

guyz? pa help nmn pu ku gumwa ng poem about art…sa proj lng pu please? :) )

cyruz:):

GUYZ? PAHELP NMN GUMWA NG POEM ABOUT ART…SA PROJ LNG PU :) )

cyruz:):

guyz? pa help nmn gumwa ng poem about art…sa proj lng ^^

dyane:

bloghopping! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

countryboy:

hi ms.gemma dela rama..thabks for dropping by..hope u get to read this…i am lio’s friend and i have his contact number..just drop a message on my email adress..thanks

nitz:

hi indi ako makapagcomment sa latest na post mu hmmm…kapatid cnu kadate mu this valentines day??? manlibre ka aman dyan hehehe ung movie nila john and sarah lng hehehe “you change my life” para kc ang ganda nun eh hehehhe…?? para for the first tymmy kasama ako sa valentine kahit fren lng whahahha…cge ingats always. love you my fren mwah bye for now(joke lng lam ko namang my kasama ka this valentines day) cge godbless

tina:

well.. deng.. knino tong chers?.. haha.. naks nman country boy.. pwede nmang tomboy… hehe.. galing mo kuya.. be patient lng lagi kay mahal..khit pano matututo ka dun.. galingan mo sa work..

nitz:

Muzta na po?? Miss you na..malaki na ba ang katawan mu? Dapat kumain ka ng marami sabay ka kay tin always para ganahan ka haahaha…secret lng ha hehhee. Ingats always,godbless. Cge next tym ulit sana my maganda nanaman akong mababasa here. Hasta la proxima vez. Mwah

erikajoy:

galing ah..nosebleed ako..ikaw ba yan sir? galing ah…idol..

erikajoy:

wow sir!!!ikaw ba yan..hahaha nosebleed ako ah..galing mag english..idol..galing nyo rin gumawa ng poem…

glenhol:

hanep magsulat. nahihiya na ako. hehe

lio loco:

huuwwwaaawww! kawntriboy! at bakit hindi ako kasama sa hi mo, hmp! comment ka naman sa blog ko. daya nito. hehehe.

Leave a message ▼

Who needs Pictures?

Hey, I've GOt CoMMents..

    

I am Me

Codename :                                          Country Boy

Address :                                              www.countryboy.i.ph

In Pursuit Of  :                                      Masarap na Ulam,Professional License, Matinong Girlfriend

Passion:                                                Poetry, Country Music, Creative Writing, Culinary Arts, Asian Martial Arts, Agriculture, Charitable Organizations, Passion de Amor(hehehe)

I would like you to serve me :                Pizza,Pasta, Ice Cream, Pork Sinigang

Wag mo akong papakainin ng : Anything beef,malansa,mushroom at okra.

Most Liked Attitude:                             Mabait

Most Hated Attitude:                            Hindi Mabait

Friends :                                               Madami kaso cla ung mga madalas ko maisip pag yan ang tanong:

Tina,Kat,Eman,Art,Bert,Dan,Merca,Fretz,Leni at Ading Risa.

Enemies :                                              Mga nang-iinsult sa idols ko at mga fanatics ng kabilang tv network,druglords,landlords,jueteng Lords,daga,lamok at ipis.Isama mo na ang kuto na masarap tirisin na puwede ring kainin..hehehed

Movies Rated as Best and Memorable :            LOTR,HP,SlumDog Millionare,Casper,Indiana Jones,Star Wars, Brother Bear, Titanic, Hero, Fearless, Da Vinci Code

Most Viewed International Television Show :                American Idol

Mga Da Best na Authors :                                 Joshua Harris, J.K.Rowling, Dan Brown, Mitch Alboom

(Wala na akong Madagdag,tsaka na muna ung ibang info.,pag sinipag ako)

 

     

September 2010
M T W T F S S
« Apr    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Subscribe

Technorati
Bloglines

MGA TANONG NG ISANG MOONSHADOW NOMINEE

May 14, 2009

 

Hindi ako makapagsulat nitong mga nagdaang araw. Wala akong maisip na ikuwento, o magawang tula dahil medyo wala rin naman talaga akong oras. May nga nasimulan akong posts pero sa palagay ko’y wala silang sense basahin dahil hindi naman ako focused at seryoso sa mga sinasabi ko. Busi-busyhan kasi ang drama ko dahil sa trabaho at ang ilang araw ding pag-uulan ay nakapageengayo sa aking matulog. Isama mo na rin ang kota kong pagtapos sa libro ni Dan Brown, ang “Angels & Demons”, baka kasi hindi ko maintindihan ang pelikula paglabas nito ngayong Biyernes. Tinamad na nga rin akong asikasuhin ang mga labada ko at ipinaubaya ko na lang sa mga di mapagkakatiwalaang laundry shop sa España ang mga damit ko.

 

Ngayong araw ay balik-opisina ako makaraan ang serye ng field works sa nakaraang dalawang Linggo. Medyo nanibago ang pakiramdam ko dahil nandito na naman ko at parang naging komportable na akong magtrabaho sa labas ng opisina. Less pressure although more work, enjoy naman dahil ako ang boss sa trabaho ko ng buong araw kahit may minor disruptions lang mula sa manager ko na kapag tumatawag ay nagbibigay ng additional instructions at other concerns niya na kung minsan ay wish ko lang naiintindihan niyang hindi ganoon kabilis makuha ang mga bagay na hinahanap niya. Istorbo ang loko at panira minsan ng araw lalo na kung ang bugnutin at kakaiba niyang mood ay umiral na naman kapag hindi ko sya magets sa mga sinasabi niya. Wordplay kasi ang hobby niya. It’s not that he’s poetic but he’s good at mumbling those words into a vague language. It’s the way he speaks, that kills me most of the time. Siguro, masasanay din ako or worst, mabingi.

 

Change topic na ako. Tama na muna ang kadaldalan ko tungkol kay Boss. Madami pang araw na ibibida ko siya rito. Habang sinusulat ko ang post na ito ay naalala ko ang mga happenings sa nakaraang dalawang lingo. May mga bagay na hindi ko ishinare maging sa bespren kong si Art at sa iba pa na talagang close sa akin. Hindi naman na siguro kasi ito mahalaga sa kanila at minsan naiisip kong wala naman talaga silang tengang handang pakinggan ang mga sasabihin ko. Wala lang siguro silang choice kapag dumaldal na ang dila ko. Self-pity lang ang end point kasi obvious na iba’y wala namang reaksiyon na kapag babasahin mo ang mga mukha’y Caps Lock na “So What?” ang nakasulat. Pero hindi ako against sa scenariong ganito at madalas itinatawa ko na lang ito. Aminado akong maaring ganito na rin ang attitude ko kung minsan. Hindi na rin siguro ako aware na nagagawa ko nang i-ignore ang mga simpleng kuwentong malaki na ang relevance para sa ibang tao,lalo na para sa mga kaibigan ko. Nangyayari naman talaga ang mga ito dahil hindi mo dapat asahan na ready lagi ang mga taong tinatawag mong kaibigan para magpahiram ng oras nilang pakinggan ka. Busy rin sila minsan at wala sa mood.

 

Sagot na rin siguro sa binabanggit kong kadramahan sa taas ang existence ng blog na ito. Malalim man o mababaw ang mga sinasabi ko sa mga posts ko’y bahala na lang basahin ng taong interesado ang mga sinasabi ko at kung may tanong man o komento’y ngingiti na lang ako at sasagot kung kailangan nilang malaman ang tinutukoy ko and at least my extension ako ng mga naiisip at nararamdaman ko. Minsan naisip kong isulat ang mga sumusunod na linya sa tingin ko’y reflection ng pagiging panatiko ko sa blogging.“Ang tikom na bibig kung minsa’y mas maayos pang ipagsalita ng mga madaldal na salitang nakahiga nang ang mapanuring mata’y malalimang makapagbasa.” “Ang tuwa’t lungkot ng mahiyaing manunulat ay hinihintay ng lapis na ihalik at sa papel ay ilahad.” “Ang piping bibig ay madaldal na salitang nakasulat at ang matang masipag magbasa ay naghahatid ng mensaheng sa boses ay salat.”

 

Iiwanan ko na lang ng mga tanong ang post na ito dahil gahol na ako sa oras ilahad ang mga gusto ko pang ikuwento. (Sa totoo lang, ang mga tanong na ito’y ang gusto kung tumbukin sa post na ito.) Masyado na rin kasing crowded ang post na ito’t baka mawalan na ng gana ang nagbabasang katulad mo. Malapit na rin kasing mag-alas-sais at yari na naman ang isang araw ng trabaho. Baka bukas ay dumagsa na ang trabaho sa mesa ko kung kaya’t ang konting oras na hindi gaanong busy ang utak at daliri ko sa mga paperworks ay dapat ko nang sulitin. Pakisagot na lang ang mga tanong ko nang mga taong nakakaalam ng sagot. Patawa ang iba. Seryoso ang ilan at meron ding dapat i-ignore mo na lang kung hindi ka interesado.

 

1.)  Saan kaya sa España nagkukuta si Lio Loco?Kelan kaya niya lalabhan ang red niyang tuwalya? Totoo kaya ang alamat ng Avocado? Saang side na kaya ng daan siya madalas tumagilid kapag naglalakad? Nagtatampo kaya siya sa aming mga kaibigan niya ngayon? Masaya kaya ang buhay Moymoy Palaboy?

 

2.)  Naiinis at naiinip kaya si Lee Quiroz kapag hinihintay niya ako hanggang 7:20 ng umaga para lumabas ng bahay? Mauulit pa kaya ang Sans Rival Cake na treat niya? Kelan kaya siya ulit magka2lovelife?

   

3.)  Bakit mahilig isuot ni Uge ang trouser snake?Dahil ba natatalbugan na siya ni Michael V. na nakatira sa 819M?  What if mag-showdown kaya silang dalawa? Alam kaya ni Mang Tem na si Bella Flores ang napangasawa niya? Ang mga Tiboli kaya’y tsismosa pa rin, lalo na si Phoemela  Baranda?

 

4.)  Sa tingin ba ni Art ay non-sense na akong kausap? Ako pa rin ba ang bespren niya? Nami2ss kaya niya ako kahit minsan? Kelan kaya siya makakasama sa mga lakad namin ng mga P.Novalers? Work at family na lang kaya priority niya? Totoo bang kamukha niya si Jude Law at John Loyd C.?      

 

5.)  Napipikon kaya sa akin si Eman kapag inaasar ko siya? Totoo kayang panis ang gatas na nainom niya?Totoo rin kaya ang alamat ng Toilet Bowl? Ok lang ba sa kaniyang lagi akong kasama kapag lumalabas sila ni Kat? Kelan kaya niya ako matuturuan sa plucking?

 

6.)  Galit pa kaya si Katherine McPhee kay Bb.Kulay Urinal? Pangalan ba niya ang sagot sa bugtong na, “Baboy ko sa Dasol, kumakain ng kuhol.”?Ano naman kaya ang sagot sa, “Kiting sa Barko,may anak na Negro”?   

 

7.)  Gaano kaya kabigat ang cheeks ni Chancita?Ilang kilo kaya ang magkabilang-pisngi niya?  Gusto kaya niya ng Chicharon, Lechon o Mamon? Magiging bespren kaya niya ang anak ni Merca na si Juanita Carlita? Kamusta na kaya sila? Ang kuwadra sa itaas,malinis pa rin ba?

 

8.)  Bakit ako tinalo ni Ms.Credit and Collection sa Moon Shadow Award?Kilala niyo ba ang Yokozona Awardee sa P.Noval?ang Researcher Award?Matatalo kaya ni Kuya Dencio si Mahal sa Best Internet Browser Employee Award? Ano pa kayang Award ang maiisip naming ni Tina?Alam niya kayang talagang mami2ss ko siya pagpunta niya sa COA?

 

9.)  Kelan kaya aahitan ni Jacinto ang carpet?Vina-vacuum kaya niya ito?Anong gamit niya?Aalis kaya siya ng bahay? Bakit mahilig siyang mangvictim ng Sprite? Nababaitan pa talaga siya sa akin? Alam kaya niyang OK siyang kausap? Nasaan na si Karina sa Bandila?

 

10.) Bakit malakas si Bb. Kulay Urinal uminom ng RH?Dati kaya siyang  lalake?Kelan kaya niya mahahalikan ang kabilang pisngi ko?Pa’no kung ako ang hahalik?Katapusan na ba ng mundo? Pa’no kung si Black Gold ang humalik? 

Posted by countryboy at 12:01 pm | permalink | comments[1]