'Bout the Blog

hey there..thanks for dropping by. RAI's blog talks on life,love country music and all other things that goes along with it. Check OUt RAI's poems and his current anthems.

Sponsored Links

Shout Out Loud!

Manang Grace:

I hav a lots of poem too!Libangan ko din yan dito sa Bahrain,But u really amaze me! Kip it up and kip shining!

Manang Grace:

Grabe!!!You are so awesome!!! I mean it!Gud work!Hop u stil rmember me,Regards to ur ate Jane!

cyruz:):

guyz? pa help nmn pu ku gumwa ng poem about art…sa proj lng pu please? :) )

cyruz:):

GUYZ? PAHELP NMN GUMWA NG POEM ABOUT ART…SA PROJ LNG PU :) )

cyruz:):

guyz? pa help nmn gumwa ng poem about art…sa proj lng ^^

dyane:

bloghopping! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

countryboy:

hi ms.gemma dela rama..thabks for dropping by..hope u get to read this…i am lio’s friend and i have his contact number..just drop a message on my email adress..thanks

nitz:

hi indi ako makapagcomment sa latest na post mu hmmm…kapatid cnu kadate mu this valentines day??? manlibre ka aman dyan hehehe ung movie nila john and sarah lng hehehe “you change my life” para kc ang ganda nun eh hehehhe…?? para for the first tymmy kasama ako sa valentine kahit fren lng whahahha…cge ingats always. love you my fren mwah bye for now(joke lng lam ko namang my kasama ka this valentines day) cge godbless

tina:

well.. deng.. knino tong chers?.. haha.. naks nman country boy.. pwede nmang tomboy… hehe.. galing mo kuya.. be patient lng lagi kay mahal..khit pano matututo ka dun.. galingan mo sa work..

nitz:

Muzta na po?? Miss you na..malaki na ba ang katawan mu? Dapat kumain ka ng marami sabay ka kay tin always para ganahan ka haahaha…secret lng ha hehhee. Ingats always,godbless. Cge next tym ulit sana my maganda nanaman akong mababasa here. Hasta la proxima vez. Mwah

erikajoy:

galing ah..nosebleed ako..ikaw ba yan sir? galing ah…idol..

erikajoy:

wow sir!!!ikaw ba yan..hahaha nosebleed ako ah..galing mag english..idol..galing nyo rin gumawa ng poem…

glenhol:

hanep magsulat. nahihiya na ako. hehe

lio loco:

huuwwwaaawww! kawntriboy! at bakit hindi ako kasama sa hi mo, hmp! comment ka naman sa blog ko. daya nito. hehehe.

Leave a message ▼

Who needs Pictures?

Hey, I've GOt CoMMents..

    

I am Me

Codename :                                          Country Boy

Address :                                              www.countryboy.i.ph

In Pursuit Of  :                                      Masarap na Ulam,Professional License, Matinong Girlfriend

Passion:                                                Poetry, Country Music, Creative Writing, Culinary Arts, Asian Martial Arts, Agriculture, Charitable Organizations, Passion de Amor(hehehe)

I would like you to serve me :                Pizza,Pasta, Ice Cream, Pork Sinigang

Wag mo akong papakainin ng : Anything beef,malansa,mushroom at okra.

Most Liked Attitude:                             Mabait

Most Hated Attitude:                            Hindi Mabait

Friends :                                               Madami kaso cla ung mga madalas ko maisip pag yan ang tanong:

Tina,Kat,Eman,Art,Bert,Dan,Merca,Fretz,Leni at Ading Risa.

Enemies :                                              Mga nang-iinsult sa idols ko at mga fanatics ng kabilang tv network,druglords,landlords,jueteng Lords,daga,lamok at ipis.Isama mo na ang kuto na masarap tirisin na puwede ring kainin..hehehed

Movies Rated as Best and Memorable :            LOTR,HP,SlumDog Millionare,Casper,Indiana Jones,Star Wars, Brother Bear, Titanic, Hero, Fearless, Da Vinci Code

Most Viewed International Television Show :                American Idol

Mga Da Best na Authors :                                 Joshua Harris, J.K.Rowling, Dan Brown, Mitch Alboom

(Wala na akong Madagdag,tsaka na muna ung ibang info.,pag sinipag ako)

 

     

September 2010
M T W T F S S
« Apr    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Subscribe

Technorati
Bloglines

BARRIO BERKS

June 16, 2009

 

Tambak na ng mga mensahe ang aking Friendster inbox na may katagalan na ring hindi ko nababasa. Sa totoo lang wala na rin naman na akong ganang i-update o icheck ang aking account dahil puro uploading lang ng mga bagong litrato ang lagi kong ginagawa. Hindi gaya ng dati na nakanasayan kong magsulat sa Friendster blog, ngayon ay wala nang mga bagong posts doon. Ibuntong na lang natin bahagya ang sisi sa creation ng account ko dito sa i.ph na mas updated kesa sa ibang mga blogsites ko. Ganiyan naman talaga sa kahit anong bagay o aspeto ng buhay, kapag may bago, nakakalimutan na natin ang lahat ng luma, mga gawaing nakasanayan o maging  ang mga taong naging kaibigan ay nawawala na sa memorya natin.

 

Speaking of long time gone friends, sila ang mga bida sa post na ito ngayon. Nitong mga nagdaang buwan, karamihan ng mga messages ko sa Friendster ay nanggaling sa mga familiar at strange names na surprisingly ay mga kabarkada ko mula pa sa barriong kinalakhan ko. May mga nangangamusta at nagtatanong kung nasaan na ako ngayon, ano ang phone number ko at address ko sa Maynila. Nakakatuwang nagagawa talaga ng friendster ang purpose nitong maghanapan ang mga magkakaibigang tila nagkawalaan. Wish ko lang na sana’y may account din ang iba pang mga kaibigan ko dito para naman makumusta ko rin sila pero malamang ang Facebook na rin ang bida sa iba sa kanila.Sina  Chuck, Ara, Chad, Caramel, Marco, Elsie at Sam ang mabibigyan ko muna sa ngayon ng kuwento. Tsaka na lang ang the rest of my childhood berks. Kapag sinipag ulit akong magsulat at hindi gaanong busy-bisihan ang drama ay malamang maibibida ko rin sila sa post na gagawin ko.

 

Sa totoo lang ay malaki na ang atraso ko sa mga childhood barkadas ko. After nang highschool ay malimit na ako maglalabas-labas ng bahay kasama sila. Hindi naman talaga ako mahilig gumala. Kahit noon pa ma’y sila na ang dumadalaw ng bahay upang gugulin ang oras ng tila walang puknat na huntahan, kainan, videoke, o kaya’y movie marathon. Medyo bawal nga lang ang alak sa bahay kaya’t hindi madalas ang inuman sa bahay. Anupama’y kontento na kami sa kung anong meron at ok na rin siguro na di kami naging palainom. Naisip kung gastos din lang naman kung minsan iyon at nung mga panahong iyon ay at ang kaibigan kong si Chuck rin lang ang galanteng gumastos para sa RH na favorite ng lahat.

 

 Masasabi kong si Chuck ang pinakamalapit kong kaibigan. Bukod sa literal na magkalapit lang ang mga bahay namin ay siya ang puntahan ko kapag boring sa bahay at wala akong makausap. Ganoon din naman kasi ang ginagawa niya dahil pareho kaming “Only BoY” sa pamilya. Naalala pa kaya niya ang madalas niyang pagkuha sa aking chaperone kapag akyatan ng ligaw ang lakad niya? Ang pagpapakita niya sa akin kay tweety bird nang binyagan na siya noong Grade Five? At ang tila addict niyang trip na maligo sa ulan habang nag-bibike at saka mag-yayaya at manggigising kahit na oras ng siesta tuwing hapon? Naalala ko siya madalas kapag umuuwi ako ng probinsya lalo na kapag napapalingon ako sa balkonahe nila na madalas niyang tambayan. Ngayo’y madalang na rin siyang umuwi at sa Bulacan na lang nalalagi kasama ng pamilya niya.

 

 Ang katamaran kong magbitbit ng payong ang madalas solusyonan ni Ara, ang isa sa mga bestfriends kong babae. Siya yong tipo na madalas kainisan lalo na ng mga babae sa school dahil maraming naiinsecure sa pagiging “crush ng bayan” niya. Resort niya tuloy ang maging “one of the boys” na lang at kung meron mang siyang close na girls,iilan lang. Naalala ko noong umiyak sa akin dahil natalo siya sa school elections. Napersonal kasi siya sa campus. Halatang malaking population ng girls ang bomoto sa kalaban niya.  Natatawa na lang akong isipin na kahit talo siya sa election ay nilalampaso niya sa mga school pageant ang insecure sa kaniyang mga girls at mga asungot ng barkada nila. Kami lang ni Agen ang prominent na friends niya at medyo takot namang lumapit sa amin ang mga kung sino mang”Ara Haters” sa Campus. Nakakatawa rin kung minsan na bigla na lang may loveletter siya sa bag at bulaklak na galing sa mga obvious na mukhang kurimao na admirers niya.

 

 Si Chad naman ang Kapampangan Boy na walang “H” ang dila. Bestfriends kami noong Grade Four at medyo nagkaroon lang kami ng gap dahil sa competition ng academic ranking. Masipag mag-aral si “Pepe” at magaling talaga sa Math. Doon niya ako madalas ilampaso. Minsa’y naaalala ko siya kapag nakakakita ako ng loro. Meron kasi silang mechanical parrot sa bahay nila noon na madalas naming pagtripang bigkasan ng mga naughty words na siyempre’y gagayahin din ng loko kaso may pagka-slang nga lang dahil galing ito ng Hong Kong. Bilib ako kay Pepe dahil siya iyong parang tatay na nanay sa kanilang bahay dahil halos lahat yata ng gawaing bahay ay siya ang maasahan. Wala rin naman kasing babae sa bahay nila dahil puros sila mga barako. Ang Mama naman niya’y nasa abroad at kumakayod para sa kanila.

 

 Ang mga malalalim na biloy ni Caramel at kakaiba niyang pagbigay ng codenames sa lahat ng classmates namin at maging ng mga kinaiinisan nyang schoolmates at teachers ang madalas kong maalala sa kaniya. Sikreto naming dalawa kung sino si Pugad O. at Baka M. Sila kasi ang mga rivals namin sa academic ranking. Ang mga prominent na alyas na kinakabit sa mga classmates namin ay kadalasang siya rin ang origin. Madalas siya ang secretary sa mga school organizations bukod sa sobrang ganda niyang penmanship ay active siya sa mga extracurricular activities. Sila ni Chuck ang masasabi kong mas updated sa naging college life ko at madalas mangamusta kapag may cellphone load sila.

 

 Si Marco ang “Mr. Bully” na madalas maraming kabangga sa klase lalo na noong elementary. Kahit minsa’y wala naman kaming naging bangayan dahil sa tingin ko’y totoong kapag naging mabait ka sa mga taong presko, mag-iiba sila ng attitude pagdating sa’yo. Siya iyong madalas na misunderstood pero wala siyang pakialam sa iniisip at sinasabi ng iba sa kanya. Kapag nakikita ko ang pilat sa kaliwang tuhod ko ay naalala ko ang nerbiyos sa mga mata niya noong sumabit ang paa ko sa bakod na yari sa kawayan. Natatawa akong isiping nakombinse ko siyang itago ang aksidente sa adviser namin sa takot kong mapagalitan. Nasa ibang school kasi kami noon para sa isang writing workshop at ang pagiging magalain namin ang rason sa pagkakasugat ng kaliwang tuhod ko. Sa Mama ko na lang nalaman ng teacher ko ang nangyari.

 

 Pinsan ni Chad si Elsie, ang “life of the party”. Kuwela ang babaeng ito at madalas napapatawa niya ako kahit medyo serious ako noong highschool. Sila ni Caramel ang bonded kahit na may competition sa pagitan nila. Siya ang Leila Barros ng batch at ang kakaibang mga moves niya sa volleyball court ang nagpapasikat sa kaniya sa campus. Siya iyong pinakahilig ipares sa mga “kurimao” kong classmates dahil alam nilang inis siya’t papatulan niya ang mga nanunukso sa pamamagitan ng pagbitiw niya mga mean at nakakatawang statements. Pati nga ang mga inosenteng pinapares sa kaniya’y minsan wala ring kawala sa kaniya dahil umiinit din ang ulo niya sa mga ito. Pero minsan lang iyon. Mabait talaga si Elsie. Naalala pa kaya niya noong manalo siya sa “Lakambini ng Wika” Pageant kung saan pinahirapan niya ang mga bumuhat sa kaniya sa interpretative dance niya ng “Natutulog ba ang Diyos?.”

 

 Si Sam, ang kapareho kong payatot. Siya ang pinakamaganda sa NECS. Napaisip lang ako kung buhay pa ang puno ng kaimito kung saan siya nalaglag? Siya na yata ang pinakathoughtful kong kaklase dahil masipag siyang magdala ng prutas na meryenda tuwing hapon. Isa rin siyang kuwela at doon sila nagkakasundo ni Elsie. Katulad pa rin kaya siya ng dati? Sana hindi na. Mataba na kasi siya at pogi na ngayon. Pwede na siyang makipagsabayan sa mga kapatid niyang mapoporma at good-looking. Pero sana mabait pa rin siya kagaya ng dati at ang pagiging kuwela niya’y nandoon pa rin. Buhay pa kaya ang slumbook niya. Close din pala sila ni Gwen ang first love ko noong third year highschool. Siya iyong madalas kong tanungin kung anong mga naiisip ni Gwen tungkol sa akin at tagasagap na rin ng kung anong bago sa kanya. Sayang nga lang at nagtransfer na si Gwen sa Zambo at madalang na rin ang communication nila ni Sam.

 

Haay..Kung puwede nga lang bumalik sa mga oras na kasama ko sila. Ang mga panahong ang pagiging “happy-go-lucky” ay parang walang katapusan. Iyong mga pagkakataong wala kang pinoproblema kundi ang mga quizzes at exams, iyong isasagot ng pinopormahan mo sa’yo o kaya’y saan puwedeng tumambay kapag bumabagyo dahil walang pasok. Mga simpleng problema na panandalian lang solusyonan. Hindi tulad ng kasalukuyang mundo na araw-araw kong ginagalawan na kelangang seryosohin ang bawat diskarte dahil hindi na ako bata at hindi dapat nagpapeteks-peteks. Iyon naman na rin kasi ang hinihingi ng panahon at ang mga nakagawia’y maluluma na rin ng panahon. Ang pagbabago’y nandiyan at tuloy tuloy lang iyan nang hindi mo namamalayan.

 

Posted by countryboy at 5:56 pm | permalink | comments[2]