Home » Post Item » BARRIO BERKS
BARRIO BERKS
June 16, 2009Tambak na ng mga mensahe ang aking Friendster inbox na may katagalan na ring hindi ko nababasa. Sa totoo lang wala na rin naman na akong ganang i-update o icheck ang aking account dahil puro uploading lang ng mga bagong litrato ang lagi kong ginagawa. Hindi
Speaking of long time gone friends, sila ang mga bida sa post na ito ngayon. Nitong mga nagdaang buwan, karamihan ng mga messages ko sa Friendster ay nanggaling sa mga familiar at strange names na surprisingly ay mga kabarkada ko mula pa sa barriong kinalakhan ko. May mga nangangamusta at nagtatanong kung nasaan na ako ngayon, ano ang phone number ko at address ko sa Maynila. Nakakatuwang nagagawa talaga ng friendster ang purpose nitong maghanapan ang mga magkakaibigang tila nagkawalaan. Wish ko lang na sana’y may account din ang iba pang mga kaibigan ko dito para naman makumusta ko rin sila pero malamang ang Facebook na rin ang bida sa iba sa kanila.Sina Chuck, Ara, Chad, Caramel, Marco, Elsie at Sam ang mabibigyan ko muna sa ngayon ng kuwento. Tsaka na lang ang the rest of my childhood berks. Kapag sinipag ulit akong magsulat at hindi gaanong busy-bisihan ang drama ay malamang maibibida ko rin sila sa post na gagawin ko.
Sa totoo lang ay malaki na ang atraso ko sa mga childhood barkadas ko. After nang highschool ay malimit na ako maglalabas-labas ng bahay kasama sila. Hindi naman talaga ako mahilig gumala. Kahit noon pa ma’y sila na ang dumadalaw ng bahay upang gugulin ang oras ng tila walang puknat na huntahan, kainan, videoke, o kaya’y movie marathon. Medyo bawal nga lang ang alak sa bahay kaya’t hindi madalas ang inuman sa bahay. Anupama’y kontento na kami sa kung anong meron at ok na rin siguro na di kami naging palainom. Naisip kung gastos din lang naman kung minsan iyon at nung mga panahong iyon ay at ang kaibigan kong si Chuck rin lang ang galanteng gumastos para sa RH na favorite ng lahat.
Masasabi kong si Chuck ang pinakamalapit kong kaibigan. Bukod sa literal na magkalapit lang ang mga bahay namin ay siya ang puntahan ko kapag boring sa bahay at wala akong makausap. Ganoon din naman kasi ang ginagawa niya dahil pareho kaming “Only BoY” sa pamilya. Naalala pa kaya niya ang madalas niyang pagkuha sa aking chaperone kapag akyatan ng ligaw ang lakad niya? Ang pagpapakita niya sa akin kay tweety bird nang binyagan na siya noong Grade Five? At ang tila addict niyang trip na maligo sa ulan habang nag-bibike at saka mag-yayaya at manggigising kahit na oras ng siesta tuwing hapon? Naalala ko siya madalas kapag umuuwi ako ng probinsya lalo na kapag napapalingon ako sa balkonahe nila na madalas niyang tambayan. Ngayo’y madalang na rin siyang umuwi at sa Bulacan na lang nalalagi kasama ng pamilya niya.
Ang katamaran kong magbitbit ng payong ang madalas solusyonan ni Ara, ang isa sa mga bestfriends kong babae. Siya yong tipo na madalas kainisan lalo na ng mga babae sa school dahil maraming naiinsecure sa pagiging “crush ng bayan” niya. Resort niya tuloy ang maging “one of the boys” na lang at kung meron mang siyang close na girls,iilan lang. Naalala ko noong umiyak sa akin dahil natalo siya sa school elections. Napersonal kasi siya sa campus. Halatang malaking population ng girls ang bomoto sa kalaban niya. Natatawa na lang akong isipin na kahit talo siya sa election ay nilalampaso niya sa mga school pageant ang insecure sa kaniyang mga girls at mga asungot ng barkada nila. Kami lang ni Agen ang prominent na friends niya at medyo takot namang lumapit sa amin ang mga kung sino mang”Ara Haters” sa Campus. Nakakatawa rin kung minsan na bigla na lang may loveletter siya sa bag at bulaklak na galing sa mga obvious na mukhang kurimao na admirers niya.
Si
Ang mga malalalim na biloy ni Caramel at kakaiba niyang pagbigay ng codenames sa lahat ng classmates namin at maging ng mga kinaiinisan nyang schoolmates at teachers ang madalas kong maalala sa kaniya. Sikreto naming dalawa kung sino si Pugad O. at Baka M. Sila kasi ang mga rivals namin sa academic ranking. Ang mga prominent na alyas na kinakabit sa mga classmates namin ay kadalasang siya rin ang origin. Madalas siya ang secretary sa mga school organizations bukod sa sobrang ganda niyang penmanship ay active siya sa mga extracurricular activities. Sila ni Chuck ang masasabi kong mas updated sa naging college life ko at madalas mangamusta kapag may cellphone load sila.
Si Marco ang “Mr. Bully” na madalas maraming kabangga sa klase lalo na noong elementary. Kahit minsa’y wala naman kaming naging bangayan dahil sa tingin ko’y totoong kapag naging mabait ka sa mga taong presko, mag-iiba sila ng attitude pagdating sa’yo. Siya iyong madalas na misunderstood pero wala siyang pakialam sa iniisip at sinasabi ng iba sa kanya. Kapag nakikita ko ang pilat sa kaliwang tuhod ko ay naalala ko ang nerbiyos sa mga mata niya noong sumabit ang paa ko sa bakod na yari sa kawayan. Natatawa akong isiping nakombinse ko siyang itago ang aksidente sa adviser namin sa takot kong mapagalitan. Nasa ibang school kasi kami noon para sa isang writing workshop at ang pagiging magalain namin ang rason sa pagkakasugat ng kaliwang tuhod ko. Sa Mama ko na lang nalaman ng teacher ko ang nangyari.
Pinsan ni
Si Sam, ang kapareho kong payatot. Siya ang pinakamaganda sa NECS. Napaisip lang ako kung buhay pa ang puno ng kaimito kung saan siya nalaglag? Siya na yata ang pinakathoughtful kong kaklase dahil masipag siyang magdala ng prutas na meryenda tuwing hapon. Isa rin siyang kuwela at doon sila nagkakasundo ni Elsie. Katulad pa rin kaya siya ng dati?
Haay..Kung puwede nga lang bumalik sa mga oras na kasama ko sila. Ang mga panahong ang pagiging “happy-go-lucky” ay parang walang katapusan. Iyong mga pagkakataong wala kang pinoproblema kundi ang mga quizzes at exams, iyong isasagot ng pinopormahan mo sa’yo o kaya’y saan puwedeng tumambay kapag bumabagyo dahil walang pasok. Mga simpleng problema na panandalian lang solusyonan. Hindi tulad ng kasalukuyang mundo na araw-araw kong ginagalawan na kelangang seryosohin ang bawat diskarte dahil hindi na ako bata at hindi dapat nagpapeteks-peteks. Iyon naman na rin kasi ang hinihingi ng panahon at ang mga nakagawia’y maluluma na rin ng panahon. Ang pagbabago’y nandiyan at tuloy tuloy lang iyan nang hindi mo namamalayan.
Previous Comments
sa nagtatanong if my bf na si ara..sori ala po ako update eh..
Posted by resty at June 17, 2009, 3:02 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.










may bee ep na ba si ara?
Posted by L at June 17, 2009, 2:10 pm