'Bout the Blog

hey there..thanks for dropping by. RAI's blog talks on life,love country music and all other things that goes along with it. Check OUt RAI's poems and his current anthems.

Shout Out Loud!

4shared.com:

http://massaleh.blogspot.com/2012/01/4shared.html

Ultrabook Notebook Tipis Harga Murah Terbaik:

http://bali-wooden-furniture.blogspot.com/2012/02/sepeda-motor-injeksi-irit-harga-terbaik_02.html

Various Types Business Affiliate:

http://centrometro.dagdigdug.com/the-best-affiliate-business-indonesia/
http://januaranas.blogdetik.com/7-tips-menjalankan-bisnis-affiliasi/
http://seoku.inilahkita.com/various-types-business-affiliate/

build web site:

Nice blog..

busana muslim:

hello. your site is very nice. keep posting. i will visit often. regrads from :
http://bolastar.com/
http://www.om-onny.net/

Blogger Nusantara Blogpreneur Indonesia:

wonderful clarity in your writing

TABLET ANDROID HONEYCOMB TERBAIK MURAH:

hai admin how are you ,,
great post :D
awesome

seragam sekolah:

I agree with your conclusions and will eagerly look forward to your incoming updates. Just saying thanks will not just be adequate, for the wonderful clarity in your writing.It is imperative that we read blog post very carefully. I am already done it and find that this post is really amazing
seragam
seragam sekolah
pria terganteng didunia
pria paling ganteng secianjur
cowok keren

mercedes-benz mobil mewah terbaik indonesia:

i like u post..

Meriahkan Ulang Tahun Bersama GarudaFood:

nice blog..

mangkang city:

hai

blogger:

i enjoy reading your posts. i am visiting this blog during my free time. exchange link naman tayo http://boxing.sportzz.info
http://nba.sportzz.info

leo:

nice one. exchange link po tayo http://soccer.sportzz.info

Javahostindo Web Hosting Indonesia:

hello

Philwebservices:

Hello! I hope I’m welcome to your blog.

Jimmy:

love it

pacquiao vs mosley:

This blog is really Cool! You can visit my site for the upcoming fight of Pacquiao vs Mosley.

perlunya web komunitas event organizer:

http://upin.blogetery.com/perlunya-web-komunitas-event-organizer
perlunya web komunitas event organizer

Philwebservices:

Are you a techie? I bet you are.

Watch UFC 125 live stream:

Great blog here! I am very pleased in your writing! Very amazing.

Leave a message ▼

Who needs Pictures?

Hey, I've GOt CoMMents..

    

I am Me

Codename :                                          Country Boy

Address :                                              www.countryboy.i.ph

In Pursuit Of  :                                      Masarap na Ulam,Professional License, Matinong Girlfriend

Passion:                                                Poetry, Country Music, Creative Writing, Culinary Arts, Asian Martial Arts, Agriculture, Charitable Organizations, Passion de Amor(hehehe)

I would like you to serve me :                Pizza,Pasta, Ice Cream, Pork Sinigang

Wag mo akong papakainin ng : Anything beef,malansa,mushroom at okra.

Most Liked Attitude:                             Mabait

Most Hated Attitude:                            Hindi Mabait

Friends :                                               Madami kaso cla ung mga madalas ko maisip pag yan ang tanong:

Tina,Kat,Eman,Art,Bert,Dan,Merca,Fretz,Leni at Ading Risa.

Enemies :                                              Mga nang-iinsult sa idols ko at mga fanatics ng kabilang tv network,druglords,landlords,jueteng Lords,daga,lamok at ipis.Isama mo na ang kuto na masarap tirisin na puwede ring kainin..hehehed

Movies Rated as Best and Memorable :            LOTR,HP,SlumDog Millionare,Casper,Indiana Jones,Star Wars, Brother Bear, Titanic, Hero, Fearless, Da Vinci Code

Most Viewed International Television Show :                American Idol

Mga Da Best na Authors :                                 Joshua Harris, J.K.Rowling, Dan Brown, Mitch Alboom

(Wala na akong Madagdag,tsaka na muna ung ibang info.,pag sinipag ako)

 

     

April 2009
M T W T F S S
« Mar   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Subscribe

Technorati
Bloglines

BURGER McDO

April 21, 2009

 

Ayokong mag-drama, magpakasenti o maging malalim sa unang post ko sa Filipino pero parang malabo yatang mangyari ito. Mas expressive ako sa lenguwaheng ito at mas sanay akong magsulat ng mga Tagalog na artikulo. Mahirap din naman talagang mag-Ingles at hayaan niyo muna akong magbreak sa paghahalukay ko ng malalalim na Ingles sa baul kong kumpara kay Lio Loco, ay mababaw lang at konti ang laman. Isipin mo na lang na kumakain ka ng Burger Mcdo kapag binabasa mo ang mga artikulo ko at ang kay Lio Loco nama’y pwede mong i-compare sa Burger King Whopper. Aminado naman akong super-saiyan ang kaibigan ko kapag Ingles-inglesan na ang labanan. Minsan kelangan ko pang magbuklat ng dictionary para maintindihan ang mga salitang ginamit nya. Sa totoo lang, mahirap mag-Ingles lalo na pag wala ka sa mood at pag pinilit mo’y worst lang na artikulo ang kalalabasan.

 

Minsan naiisip kong baka may mga hindi nakakaappreciate na mga sinusulat ko. Ganoon naman talaga ang buhay, mahirap i-please lahat ng tao. Maaari ring hindi lang dahil sa Ingles ito nakasulat kundi hindi rin nila hilig basahin ang mga posts ko. Hindi nila maappreciate at hindi nila maintindihan. Iba na kasi siguro ang trend ngayon, mas demanded ang mga istoryang liberal at humahamon sa mga konserbatibo. Masyadong nang sikat ang kaibigan kong si Lio at namemention ko na naman sya sa ulit. Isa siya sa mga sumusulat ng istilong nabanggit ko. Wala naman akong protesta sa mga nasusulat ng kaibigan ko. Ganoon lang talaga siya katotoo at wala akong karapatang pagsabihan siyang ilimita ang mga gusto nyang ipahayag. Iyon nga lang hindi ako makapagcomment kapag binibisita ko ang site niya at gusto pa naman nyang sana’y may masabi ako. Minsan naiisipan ko na ring sumulat ng kagaya ng sa kanya pero niloloko ko lang ang sarili dahil hindi ko kyang magsulat ng ayon din sa kanya’y barubal at liberal na pananalita.

 

Ayokong magsulat ng mga bagay na hindi ako komportable. Ayoko ring baguhin ang istilo ko dahil sa mga nagdidikta sa aking borong-boro na sila sa pagiging konserbatibo ko, sa mga istorya kong sentimental at may kadramahan ang pinupunto. Hindi dahil hindi ka nagsusulat ng mga kuwentong dapat ay ikinukulong mo lang sa pribado mong kahon ay hindi ka na totoo o at isa ka nang mapagkunwari. May tamang lugar kung saan mo dapat ipahayag ang mga ganoong kuwento. Hindi naman din sa dahil nagpapakabanal ako kundi hindi  ko lang talaga ma-imagine na makapagsulat ng mga artikulong  may parental guidance ang tema at may minority limitation. May kanya-kanya rin naman tayong istilo at minsan wala na rin akong pakialam kong may makakaappreciate ng mga sinasabi ko. Kung hindi nila ako naiintindihan ay natatawa ko na lang iniisip na problema na nila iyon.

 

Sa totoo lang, nakakawala ng stress ang pagsusulat lalo pa’t madalas akong mabore sa trabaho sa nakaraang apat na buwan. Dito ko na lang binubuhos sa blog na ito lahat ng mga hinaing ko at kuwento kong sana’y may bumasa at kahit paano’y magkomento. Ito na siguro ang bespren ko sa ngayon kahit may mga araw nga lang na hindi ko sya napagkukuwentuhan dahil wala akong masabi, busy sa work at wala sa mood. Kadalasan kapag malungkot ako, doon pa nga ako nakakapagsulat. Minsan kasi ang hirap ispelengin ang buhay. May mga oras na masaya ka at mamaya nagpapakasenti ka na lamang bigla dahil nasira ang araw o gabi mo dahil sa problema. Abnormal nga raw ang mga taong walang problema. Isipin mo na lang na  inherent na ito sa buhay mo at kelangan may current ka or extension para matransfer o mabaling ang iniisip mo. Gaya ng blogsite na ito, wala mang pakialam ang mga nagbabasa ng sinasabi ko ay uulitin ko na namang sabihin hindi ko na problema ito,sa kanila na iyon and at least napasa ko. Patawa ko lang ‘to pero salamat sa nagbabasa at umiintindi ng mga sinasabi ko.

 

Magsasawa nga rin siguro ako sa mga pinagsusulat ko at maaring mag-iba  rin ako ng istilo. Lahat naman nagbabago. Lahat pwedeng pag-aralan. Lahat pwedeng gawin Nasa sa’yo lang naman iyon kung sa tingin mo’y mabuti o masama ang ginagawa mo. Iniisip kong maaring ganito rin ang gagawin ko sa ibang aspeto ng buhay ko. Siguro magsasawa rin ako sa mga tipo ng damit na sinusuot ko, sa musical genreng kinahuhumalingan ko, sa mga taong parang kung minsa’y wala akong choice makasama o dun sa mga dati pang sanay at sawa na ako sa pakikitungo, sa lugar na tinutuluyan ko, sa sapatos at tsinelas na suot ko,sa instant noodles na paborito ko, sa coin purse na meron ako at sa iba pa na maaring sawa na akong gawin at isipin .

 

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang post na ito pero kapag ini-scroll mo na pababa at next post na ay ibig sabihin wala na akong masabi. Malamang ay tawagin na ako ng boss ko at kelangan ihanda ko na ang sarili ko sa mga komento niya sa report na ginawa ko. Sana kahit paano’y may sense ang mga nasabi ko at kung mayroon mang naboro’y pasensya na lang kayo. Gusto ko lang talagang magsalita kahit dito dahil panis na ang laway ko sa maghapong katahimikan ng aming departamento habang tutok kaming lahat sa mga laptop na gusto ko nang ihagis sa mga taong kinaiinisan ko. Isama mo na dyan ang boss ko at isipin niyo na lang ulit na nagbibiro lang ako. Ayoko namang mawalan ng trabaho dahil lang uminit ang ulo ko pero siyempre hindi ko nman talaga magagawa ang bagay na sinasabi ko.

Posted by countryboy at 11:51 am | permalink

Previous Comments

sige lang bro hayaan mo yung manager mo na problemahin mga audit projects niyo, haha! wag mo sayangin oras mo sa pagtunganga, mag post ka ng mga blog entries!

Enjoy the internet while it’s free! (kesa magrent ka pa sa mga internet cafes para lang magpost diba?) hehe!

Posted by Lapis at April 23, 2009, 6:03 pm

isa lang masasabi
asteeg kang magsulat sa tagalog
mag-tagalog ka na lang kaya
hahaha…
at bakit panay na lang ang mention mo ng pangalan ko rito
sana naman may hyperlink para malaman nila kung saan nagkukuta tinutukoy mo di ba?
nyahahaha!
jokeness…
pero seryoso, maski na hindi balahurang kanto-speak ang gamit mo,
na tulad ng sabi mo eh lenggwaheng naging swak sa panlasa ko at sa mga mambabasa ko,
panalo pa rin ang post na ‘to.
eto ang na-enjoy ko sa lahat ng post mo rito so far.
kaya payong kaibigan lang:
magtagalog ka na.
hahaha!
apir!

Posted by lio loco at April 26, 2009, 7:47 am

p.s. hindi ka pa rin nagcocomment sa blog. dahil jan, di tayo bati. hehehe.

Posted by lio loco at April 26, 2009, 8:43 am

hi resty, hmm indi ko rin maimagine fren na magsulat ka ng tulad ng kay lio lolz, stay the same, korek ka indi dahil indi balahura ang pinagsususlat mu fake o mapagpanggap kana o huwad kana, ang ganda nung sinulat, lahat maganda peo itong BugerMcdo galing sarap ninamnam ko nabusog ang ako sa kalaman…hmm kapatid dalaw ako kila tin sa saturday sana kita kits tau. Miss you all. Musta na c D***L??? anu cnagot kana ba?? goodluck, goodbless mwahh miss you fren. :)

Posted by nitz at April 29, 2009, 5:34 am

hmmm sori parang maraming akong dapat itama sa comment ko lolz xenxa na antok na antok na ako dyan…bale un nga sabi ko nga lahat ng sinulat mu maganda ,ung BurgerMcdo nabusog ako heheheh…xenxa na kapatid indi natuloy ung pagpunta ko sa haus ni tin peo promiz sa saturday totoo na dun ako matutulog magluluto ako punta ka ha sabihin ko kay tin,anu ung dish (Ginisang kalaba with shirmp) hehehhe tuturuan kita magluto,pati ung luto ko nung sa ampalaya hahahah tuturo ko sau para lam mu magluto heheh.

Posted by nitz at May 6, 2009, 12:46 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment